15 kagandahang asal, 15 di kagandahang asal 1, 2. (a) Bakit mahalaga ang kagandahang-asal? (b) Ano ang tatalakayin sa artikulong ito? TUNGKOL sa pagiging magalang, sumulat ang awtor na si Sue Fox: "Hindi puwedeng kalimutan ang kagandahang-asal. Ito'y dapat ipakita saanmang lugar, anumang oras." Kapag nakaugalian na nating maging magalang, nababawasan at kadalasan nang naiiwasan ang di-pagkakaunawaan. Pero kung hindi tayo magandang makitungo sa iba, mauuwi ito sa di-pagkakaunawaan, hinanakit, at kalungkutan. 2 Sa pangkalahatan, ang mga tunay na Kristiyano ay nagpapakita ng kagandahang-asal. Pero dapat pa rin tayong mag-ingat na huwag maimpluwensiyahan ng masasamang asal na laganap sa ngayon. Tingnan natin kung paano tayo mapoprotektahan ng pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya tungkol sa pagiging magalang at kung paano nito maaakit ang mga tao sa tunay na pagsamba. Para maunawaan kung ano ang nasasangkot sa pagpapakita ng kagandahang-asal, isaalang-alang natin...