Bakit Hindi Maibuti Ang Mga Higanti Sa Kapwa, Sa Kapwa

Bakit hindi maibuti ang mga higanti sa kapwa
Sa kapwa

Ang paghihiganti ay karaniwang tumutukoy sa paggawa ng masama sa kapuwa na gumawa din ng masama sa iyo. Sa iba ito ay maktuwirang gawin dahil nauna siyang gawin iyon sa iyo at tila ba binigyan ka na niya ng karapatang gumawa din ng ganoong bagay. Para sa isa na gaganti, pagpapakita ito ng katarungan at lakas ng loob. Hindi makadiyos na kaisipan ito. Bakit?

Dahil mas lalo lamang nito na palalalain ang sitwasyon. Hindi matatapos ang pinsala. Magdudulot ito ng higit na tensyon, kasiraan sa parehong partido. At kung ang nais mo lamang ay makita niya ang malin niya, humingi siya ng tawad at huminto na siya sa kaniyang maling ginagawa sa iyo, kabaligtarana ng kailangan mong gawain. Ano iyon?

Hinihimok pa nga tayo ng Salita ng Diyos na gumanti. Gumanti ng mabuti sa masama. Sa Roma 12:17-21 direktang binanggit ang dulot ng pagganti ng mabuti sa masama.  

Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama. Gawin kung ano ang mabuti sa pananaw ng lahat ng tao. Kung posible, hangga't nakadepende sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao. Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, kundi bigyang-daan ninyo ang poot; dahil nasusulat: "'Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,' sabi ni Jehova (Yahweh sa ibang salin)." Kundi "kung nagugutom ang kaaway mo, pakainin mo siya; kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng maiinom; dahil sa paggawa nito, makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya." Huwag kang padaig sa masama, kundi patuloy na daigin ng mabuti ang masama.

Sa unang bahagi, sinasabi ng Diyos na hindi ka binibigyang karapatan o awtoridad na gumanti ng masama dahil ginawan ka ng masama. Kapag ginawa mo iyon, ikaw mismo ay nagkakasala sa ganoon ding antas o higit pa nga. Hinihiling niya sa iyo na hayaang Siya ang gumawa ng paraan na magbago, tumigil at magpakumbaba sa iyo ang nakagawa ng mali. Hindi bat mas tiyak ang pagkilos ng Diyos kaysa kung tayo ang aaksyon. Hindi mo hahayaang palitan ang Diyos sa paggawa nito.

Ikalawang punto ay ito, imbes na gumawa ng mali ay inuutusan ka Niya na gumawa pa ng hakbang na gawan siya ng mabuti. Mas magiging alerto ka sa kaniyang pangangailangan anupat baka dapat mo pang iboluntaryo ang sarili mo. Sa paggawa nito ang sabi, tinutulungan mo siya na magbago sa diwa ay pinalalambot mo ang kaniyang puso. brainly.ph/question/297730; brainly.ph/question/1086920; brainly.ph/question/286083

Sa katapus-tapusan maraming nakumbinsi na naging malapit pa nilang kaibigan ang isa na dati ay nakasakit sa kaniya. Ang sikreto ay ang pagsunod sa tagubilin.Hindi man madali, pero nagbigay ito ng kapayapaan sa loob dahil alam niyang nakapagpipgil ng sarili na gumanti. Iyon mismo ang tunay na lakas ng loob. Hindi man mabilis na makikita ang resulta, pero tiyak na makikita mo sa huli na sulit ito. Ang ilan ay nagkaroon pa nga ng malinis na reputasyon sa iba. Hindi na niya kailangang magpaliwanag at nagakakaroon nag mas mabubuting kaibigan. Baka nga iyon pa ang paraan upang mapabuti ang iyong sarili. Paano?  

Ito ay dahil nalilinang mo ang mga katangiang kailangang-kailangan gaya ng pagpipigil sa sarili, mapaghintay na saloobin at kapayapaan ng isip. Hindi ito nadadama ng isa na gumaganti ng masama sa masama.


Comments

Popular posts from this blog

The Summarry Of Ibong Adarna In Aralin 28?

The Volume Of A Triangular Prism Is 20 Cubic Inches. Its Length Is 4 Inches. What Is The Base Area