Ano Ang Kahulugan Ng Pamumutla At Pagkahimatay

Ano ang kahulugan ng pamumutla at pagkahimatay

Ano ang kahulugan ng pamumutla at pagkahimatay

Ang sakit pagkahimatay ay isang kondisyon ng tao kung saan biglaan at panandaliing nawawalan ng malay-tao ang isang indibidwal dahil sa siya ay  kakulangan ng sapat na suplay ng dugo sa utak. Tinatawag din itong syncope sa terminolohiyang medika ng mga eksperto.

Pamumutla at pahihina ang unang sintomas ng anemia. Alam mo bang maaring ito ay warning sign sa iyo mas malubhang sakit  o karamdaman na dadating sa iyo.

Walang pinipili ang sakit na anemia bata man o kahit matanda ay kapag tumigil ang pagdami ng iyong malusog na red blood cells o kayay hermoglobin ang iyong katawan ay maaring magkaroon ka ng karamdaman o sakit na ito. Kaya naman dapat tayo ay maging aware sa mga sintomas nito  ng anemia upang maging handa kung sakaling ito ay dadapo o mararamdaman mo.  

Ano ba  ang sanhi ng sakit  pagkahimatay?

  • Ang sakit  pagkahimatay ay maaari o maaaring hindi indikasyon ng mas seryosong karamdaman. Maaring dahil ito sa abnormalidad o karamdaman sa puso gaya ng iregular na ritmo ng tibok ng puso o daloy ng dugo sa puso. Maaaring dulot din ito ng mababang lebel ng asukal sa iyong dugo (hypoglycemia), kakulangan  din ng iron sa dugo (anemia), o kaya naman iregulardad sa presyon ng iyong dugo.
  • Para sa ilan, ang sakit  pagkahimatay ay maaaring dulot din matinding emosyon gaya ng stress, pagkabalisa, matinding takot, o  kayay pagkaramdam ng matinding sakit. Maaari ding itong  humantong sa pagkahimatay ang matinding gutom na nararamdan ng tao.

Ano ang dapat mong gawin sa taong hinimatay?

Kung sakaling makakita ka ng kakilala mo o  ng taong hinimatay, maaaring sunding ang mga sumusunod na hakbang:

1. Ihiga ang kakilala o  taong hinimatay.

Kung bumagsak ang taong hinimatay, agad mo o niyo  na i-puwesto nang nakahiga at kung maaari, bahagyangmong  iangat ang paanan ng hinimatay upang makarating ang dugo nito sa utak. Huwag mong  piliting ibangon o gisingin ang taong hinimatay na indibidwal.

2. Bantayan siya kung maayos na nakakahinga.

Luwagan mo ang damit, tanggalin ang mahigpit na sintoron, at iba pang bagay na maaaring na nakakapagpasikip ng paghinga. Bigyan mo din siya ng sapat na hangin.

3. Bantayan din ang iba pang vital signs.

Bukod sa maayos na paghinga pasyente , bantayan mo din ang pulso at tibok ng puso nito. Bantayan din ang anumang senyales ng paggalaw ng hinimatay.

4. Bigyang lunas kung napinsala dahil sa pagbagsak.

Hindi malayong magkaroon ng pinsala sa katawan ang taong hinimatay dahil sa biglaan nitong pagbagsak o paglagapak. Maaaring mabagok ang ulo nito o tumama ang bahagi ng katawan sa matigas na bagay. Bigyang lunas agad kung may sugat o pagdurugo habang walang malay-tao ang hinimatay ang kakilala.

5. Tumawag ng tulong medikal

Kung lumampas na ang isang minute at hindi pa nanunumbalik ang malay ng tao o hinimatay, agad ka nang tumawag ng tulong medical o doktor. Ang ganitong sitwasyon ay maituturing na medical emergency.

Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:

brainly.ph/question/2680205

brainly.ph/question/780368

#LetsStudy  


Comments

Popular posts from this blog

The Summarry Of Ibong Adarna In Aralin 28?

The Volume Of A Triangular Prism Is 20 Cubic Inches. Its Length Is 4 Inches. What Is The Base Area