Ano Ang Epekto Ng Pambubully Sa Mga Kabataan Ngayon?

Ano ang epekto ng pambubully sa mga kabataan ngayon?

Ang mga EPEKTO ng PAMBUBULLY sa mga kabataan ngayon ay troma na pumasok pa sa school dahil baka maulit lang ang pambubulas sa kanila. Nagdudulot din ito ng takot sa kaniyang kapaligiran, marahil iniisip niya na baka sinusundan siya ng mga taong nambubully at ipahiya siya.

Malaki din ang epekto nito sa isip ng isang kabataan dahil maaaring mawala nito ang ķaniyang konsentrasyon sa pag-aaral at mawalan ng ganang pumasok sa school. Dahil dito malaki ang magiging epekto nito sa kaniyang grado na maaaring ikabagsak niya sa klase.

May epekto din ito sa kaniyang paraan ng pakikisama sa iba. Dahil malamang na maisip niya na pwedeng pagkaisahan din siya ng mga ito at ipahiya. Nagkakaroon siya nang pagdududa at kawalang tiwala sa kabaitang ginagawa ng iba sa kaniya. Pwede ring maging epekto nito ay ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili na nagiging dahilan ng kaniyang pagiging malungkutin at pagbubukod ng sarili sa iba. Mas malala pa ang kawalan ng ganang mabuhay at iniisip na wala siyang halaga sa mundo. May mga istudyanteng nagpapakamatay dahil sa pambubully at talagang nakakabahala ito.

Sa kabuuan, ang epekto ng pambubully sa mga kabataan ay talagang nakasasama, kaya dapat na iwasan nating mambully sa kahit anong paraan.


Comments

Popular posts from this blog

The Summarry Of Ibong Adarna In Aralin 28?

The Volume Of A Triangular Prism Is 20 Cubic Inches. Its Length Is 4 Inches. What Is The Base Area